Aha.. aha..

Magulo akong kausap ngayon. Kahit ano na lang pumapasok sa utak ko. Medyo malungkot na ewan ko. Gusto kong may maka-intindi sana sa akin pero hindi ko naman ma-explain ng tama  ang nararamdaman ko. Kunwari  na lang kinakausap ko ang … Continue reading

Kape, Teddy Bear, at Pag-ibig

“Sinong magbabayad?” Bungad sa’kin ni Nicole na para bang nagpapahiwatig na ako dapat ang magbayad. Ang mahal pa naman ng pinili niyang lugar. Mamahaling coffeeshop.  Kung saan ang lahat ng mga malalaki ang sweldo,dito nagkakape. Hindi ko naman siya masisisi, … Continue reading

Dyipni

Isa at kalahating oras ang biyahe ko papuntang opisina; kaya mag-post lang ako ng mga random na bagay na pumapasok sa isip ko habang nasa dyipni ako. Kunwa-kunwarian kasi akong nag-iisip ng malalim sa dyip para hindi ipaabot sakin ang … Continue reading

Same Shit Different Day

Isa akong alipin ng pera.  Sabi ng isang commercial ng isang kape, para kanino ka bumabangon? Ang sabi ng utak ko, para kay  Ninoy,  kay Roxas,  para kay Manuel Quezon, kay Osmeña, at para sa tatlong mukha ng isang libo na si Josefa lang ang matandaan ko. Tantiya ko, hindi lang ako ang Pinoy na bumabangon para sa kanila.

Isa akong alipin ng pera. Sabi ng eskwelahang pinanggalingan ko, palaging may mali sa sistema, kaya maghanap ng paraan para baguhin ang sistema. Pero isa na ako ngayon sa sumusunod sa sistemang nagreresulta para sa mga tao na mawalan ng initiative. Natatatakot na ako baka kung hamunin ang sistema, hindi ko na makikita ang tatlong mukha sa harap ng Banaue Rice Terraces, na si Josefa lang ang matandaan ko.  Sistemang pwede ko lang ibulong sa utak ko ang pagkakamali.

Isa akong alipin ng pera. Sabi ko sa sarili k0 noon,hindi importante ang position at possession ng isang tao. Pero ano ako ngayon? Palaging ilang beses tignan ang MS word kung may nalagay ba akong Hon. o Gov. o ano pa man na para bang pwede akong ma-lethal injection kung magkamali ako.  Ang alam ko lang naman nung bata ako eh Doc tsaka Atty., eh  ngayon,pinapa-memorize ako ng kung anong ka-shitan(at pinilit talagang ilagay to, awkward much).

Sinong  ba ang nagpa-uso ng pahabaan ng pangalan? I-papatay nga yan. Magastos sa ink, magastos sa space , magastos sa laway, at higit sa lahat, nagbibigay ng impresyong mas importante ang ginagawa nila kesa sa ginagawa ng iba.

Alipin ako ng pera. Asan na ang sinasabi kong ayaw ko sa mga politikong nandyan sa nabubulok na gobyerno. Nandito ako ngayon, nakikipag-kamay sa kanila, tumatawag sa sekretarya nilang  kung umasta ay binabayaran para babaan ng telepono at sungitan ang ibang tao.

Alipin ako ng pera. Dahil kinukwenta ko na kung may pamasahe pa akong matitira sakaling magbigay ako ng ilang sentimo sa isang batang palaboy. Dahil naiirita ako kapag ang driver, tinatamad magbigay ng sukli. Dahil kailangan kong maghanap ng 39ers o  kaya ng buy 1take 1. Dahil kailangan kong magsingil ng pina-utang ko sa isang kaibigan.

Alipin ako ng pera. Dahil nangangarap akong sana dumami ang pera ko, Yung tipong sa sobrang dami, pwede akong mag-sunog ng pera sakaling malamigan ako o ma-bore, o kaya, pwede kong gawing tissue paper ang pera. Tapos magpagawa ako ng bahay, na sa sobrang laki, di kami nagkikita ng mga kasama ko sa bahay. Tapos magbayad ng tao, makipag-plastikan lang na gusto niya ako. Bwahahah.

Isa akong alipin ng pera. Eh, ikaw? Alipin ka din ba ng pera?
null
____________________________________________________________________________________________

Note* Hindi lahat ng nasa post na to ay totoo, ang anumang pagkakawig sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. hahah.  Sumubok lang ng bagong style ng pagsulat para sa Same Shit Different Day pa-kontes ni Ginoong Lio Loco. :) Salamat sa oportunidad Ginoong L at happy 3rd birthday sa blog mo. :)

Kaya Mo Yan. Nukaba.

This gallery contains 1 photos.

Pagka-gradweyt ko ng kolehiyo, parang bigla akong nakadama ng kalungkutan. chos! Ang drama ko lang. hahah. Gusto kong isulat lahat ng hinaing ko dito dahil hindi ko mapigilang tumanda pero sinong gustong magbasa ng reklamo ng isang batang natatakot sa … Continue reading

Nung Bata Ako: Kapalpakan Edition

Nung bata kayo, maraming beses ba kayong napagalitan o napagtatawanan dahil sa mga di niyo sinasadyang kapalpakan? Ako? Maraming beses, pagkatapos, tinatanong ko pa sarili ko kung ano ba yung nagawa kong mali. Heto ang lista ng mga kapalpakan ko … Continue reading

Nung Bata Ako:Akala Ko Edition

Nung bata ka ba, andami mo ring iniisip? Andami bang bagay na parang bago sa’yo? At di mo maintindihan kung bakit ganito o kaya bakit ganun. Higit sa lahat,iniisip mong ang lahat ng bagay ay pwedeng magkatotoo.  Magkakaroon ako ng … Continue reading

Unemployment

Update lang ‘to tungkol sa sarili ko.Parang uber random post na ewan. Tell me about yourself. Ako si Kat. Taga-Negros ako,nag-aral sa UP Visayas nung college, at ngayon naman ay nasa Cebu para maghanap ng trabaho. Hindi ako magaling sa … Continue reading

Para kay Papa

This gallery contains 1 photos.

Naalala mo ba nung sinama mo ako sa pinagtatrabahuan mo? Mga apat o limang taong gulang ata ako nun. Sabi ko sa’yo manonood lang ako ng TV sa isang bahay dun, at nung matapos ang palabas, at pagkalabas ko sa … Continue reading

Pasasalamat =)

This gallery contains 7 photos.

Tuwing bisperas ng birthday ko, hinihintay ko talaga mag-alas dose para batiin  sarili ko. Hindi ko yung nagawa ngayon dahil napagod ako sa kahahanap ng trabaho at nakatulog ako agad. Pagkagising ko nung June 15, unang nasambit ko “21 na … Continue reading